Skip Navigation
Grey Twitter Icon facebook-icon instagram_icon
canadian_flag

Communities Banner 2016

Ang Bayan ng Schreiber

Tuloy po kayo sa Schreiber

Mga Daa’t Bakas, Daambakal o Riles & Tabing-Dagat at Dalampasigan

Ang Schreiber ay matatagpuan sa Hilagang Baybayin ng Lawang Superior, sa tabi ng Highway 17 ng  Ontario at dalawa (2) na oras lamang sa silangan ng Thunder Bay. Kami ay maliit na bayan na nag-hahandog sa mga mamamayan  ng walang kapintasang kapaligiran upang matamasa ang matimbang o balanseng uri ng buhay: abot-kayang pabahay at lote, magiliw at palakaibigan na lugar para magtatag ng pamilya, pagkakataong magpaunlad ng negosyo at walang katapusang kapamaraanan upang maranasan ang panlabas na kapaligiran.

Plinanong maganda ang kinalalagayn sa  kalagitnaan ng Canada, ang Schreiber ay lubos  ang mga serbisyong-bayan na nagbibigay ng madaling pagpunta sa mga pangunahing ruta o daanan ng transportasyon katulad ng Canadian Pacific  Railway at ng Trans-Canada Highway. Kami rin ay isang bayan ng mga mamamayan na iba’t-ibang kalinangan at bansa o bayan ang mga pinanggalingan, na nakakanlung ng maalwan sa pinakamahusay na kapaligiran at mga tanawin sa buong mundo.

Sa kabuan, ang lugar ay bantog dahil sa kanyang mga mabatong talampas, mga daa’t bakas sa kanyang mga kagubatan at tahimik ng mga baybayin- ang walang katulad na lugar  para sa buhay panlabas sa kapaligiran at, paglalakbay at panggagalugad, o para sa mga taong adbentoroso. Ipinagmamalaki ng aming bayan ang ilan sa mga pinakamagagaling na pangingisda kapwa sa tag-init at tag-lamig. Ang lubhang napakagaling na “snowmobiling”, nakakapigil-hiningang mga tanawin at hindi kapanipani-walang kalikasan.

Ngayon, ang kanununu-an ng mga Italyano sa Schreiber at ang pamana ng daambakal ay nananatiling nakapangingibabaw. Makikita mo ang walang kasintulad na pinaghalong mundo ng  bago at lumang kariktan nito sa buo o alin mang  dako ng bayan. Ang pagpapahalagang ito ng tradisyon o kaugalian ay napapanatili ng lahat at sa lahat ng bagay, mula sa aming pagluluto at pagkain, hanggang sa magigiliw na pagbati at kumustahan na inyong natatanggap mula sa mga tao sa kalye. Maliwanag na ang Schreiber   ay  walang kapintasan na siyang dulo ng patutunguhan o destinasyon para sa kanino mang naghahanap ng sambayanang kagandahang-loob sa isang maliit na bayan.

Ikakatuwa namin kung ipapakilala ninyo ang aming bayan at para mapag-usapan natin ang mga oportunidad o pagkakataon na mayroon dito.

Para sa karagdagang impormasyon o kaalaman, makipag-alam o makipag-ugnayan sa Township of Schreiber.
   Home  |  Sitemap  |  Contact Us  |  Feedback
Disclaimer & Copyright Notice. All rights Reserved. Corporation of the City of Thunder Bay ©