Skip Navigation
Grey Twitter Icon facebook-icon instagram_icon
canadian_flag

Communities Banner 2016

Ang Bayan-bayanan ng Red Lake o Pulang Lawa

Tuloy po kayo sa Red Lake, Ontario

Ang Kabisera ng Ginto ng Canada

Sa pusod ng Canada at sa Hilagang-Lupain ng Ontario, may isang pook na ang kanyang bukod-tanging kagandahan ay walang katulad…Red Lake . Ang kagila-gilalas, magkaka-iba na tanawin ng Red Lake ay nakatarik na sa  kasaysayan at kalinangan nito: ang alamat ng Ojibway ng Red Lake, ang mga pinta  ng katutubong pintor na si Norval Morriseeau ng “Hudson Bay Company” o Kompanya ng Look ng Hudson, ang “Gold Rush” o Pambihira o Apurahang  Dami ng Ginto at ang pagpapatakbo ng mga nakalutang na sasakayang panghimpapawid, ang lahat ng mga ito ay may mga kabanata dito.

Sa kasalukuyan ang Red lake ay isa ring bayan na mayroong lahat ng makabagong kaginhawaan at mga kapakipakinabang na mga pasilidades na kinakailangan  upang makapaghatid ng uri ng buhay na walang gaanong pag-aalala o kahirapan sa isang masagana at maunlad na pangkabuhayan. Ito ay  natatanging tanyag sa pagmimina, pangugubat, turismo, tingiang pangangalakal, at  negosyo sa iba’t-ibang serbisyo o paglilingkod. May mga  malalaking pambayan na maypagawaan ang Red Lake katulad ng “Goldcorp” o Korporasyon ng Ginto, na nagpapatakbo sa pinakamalaking pagmimina ng ginto sa buong Canada.

Ang Red Lake ay umunlad na isa sa mga pinakatangitanging lugar sa Canada. Ito ay bayan na may limang libong katao na may sari-saring kalinangan at mga nagmula sa iba’t-ibang bansa. Ang maalwan at palakaibigan na uri ng pamumuhay ng bayan at ng ipinagsama nitong magkakaibang mga tanawin at kapakinabangang pangkabuhayan, ay ginawa itong lusawan para sa sari-saring kalinangan at pagtanggap.
   Home  |  Sitemap  |  Contact Us  |  Feedback
Disclaimer & Copyright Notice. All rights Reserved. Corporation of the City of Thunder Bay ©