Skip Navigation
Grey Twitter Icon facebook-icon instagram_icon
canadian_flag

Communities Banner 2016

Ang Bayan-bayanan ng Conmee

Tuloy po kayo sa Bayan-bayanan ng Conmee

Kami ay nakatira sa kahigtang-gilid!

Ang bayan-bayanan ng Conmee  ay isang maringal na rural o lalawigang bayan na nakalagay sa kanlurang tabi ng Distrito ng Thunder Bay sa Hilagang Ontario. Bagama’t maalwang napapaloob sa at  madaling abutin mula sa lungsod, ang Conmee ay napapaligiran ng masisiglang mga  tanawin,  may kahanga-hangang mga panoorin nito ng “Norwester Mountain Range” o Hilera ng Mga Bundok ng “ Norwester “at ng makasaysayang “Kaministiquia River o Ilog ng Kaministiquia na tuloy-tuloy na dumadaloy sa kabayanan nito.

Ang Conmee ay matatagpuan mo humigit-kumulang 35 kilometriko kanluran ng Thunder Bay na ilang sandali din lamang ang layo sa Trans-Canada Highway. May populasyon itong 740 katao na  pangkaraniwan ay bumabiyahe papunta sa mas malaking sentro ng Thunder Bay upang magtrabaho at gayun din naman, mag”shopping” o mamili, manood ng mga palabas-kalinangan at aliwan.

Ang bayan-bayanan ay kilala sa kanyang karanasan sa pagsasaka ; karamihan sa pook nito ay may malalawak na mga lupain at tanawin, at bukirin. Ipinagmamalaki rin ng Conmee nito ang angking kahanga-hangang  diwa sa pamamagitan ng iba’t-ibang  masisiglang  samahan at  pangkat na  palagiang naghahanap ng mga paraan upang ang Conmee ay sumagana at maging kahali-halina sa mga kasalukuyang mamamayan nito at gayon din para sa mga bagong dating.
   Home  |  Sitemap  |  Contact Us  |  Feedback
Disclaimer & Copyright Notice. All rights Reserved. Corporation of the City of Thunder Bay ©